Edi ayan na nga, tulad ng inaasahan, nagsanga-sanga na ang pinagpi-piyestahang sex video ni Dr. Hayden Kho, Jr habang kaulayaw ang aktres na si Katrina Halili at sa isa pa, ay ang modelo namang si Maricar Reyes. Kaniya kaniyang sawsaw na. Mula sa mga taong sangkot sa eskandalo, kung sinu-sino na ngayon ang nadadawit habang tinutugis kung sino nga ba ang nagpakalat nito. Mapipigilan pa ba ang pagkalat ng naturang video at ang sinasabing iba pa na ngayon pa lang ay inaantabayanan na ng mga madami? Bomalabs na yan! Aba eh ang mga tricycle driver nga at mga nagtitinda ng fish ball eh naka-abang sa tindahan ng pirated cd at hinihintay kung may delivery ng bagong sex scandal video eh. Iba daw kasi ang dating kapag hidden cam. Sa loob-loob siguro ng mga kumag, sino naman kaya ang ka-partner? Artista kaya? Sikat kaya?
Sa totoo lang naman, kung hindi lang sikat ang mga taong sangkot, hindi naman pagku-kwentuhan ang sex video na yan eh. Aba eh sa dinami dami ng napanood kong sex video, ngayon lang may pinag-usapan ng ganito!? (ooopss erase-erase!) Pero ang pinaka malupet na idinulot ng naturang video sa buhay ng mga Pinoy, lahat ng nakapanood, sa isang kurap eh naging mga film critique na. Meron na silang kaniya-kaniyang review at komento. Akalain mo yun? Isang sex video lang pala ang kailngan para maging mapanuri ang mga Pinoy sa mga napapanood nila? Si Tatang pinupuna ang ilaw habang si Manong eh napapangitan sa pwesto ng kamera. Dapat daw ay isinakto sa gitna! Ang iba naman ang mga eksena pa mismo ang puntirya. Pero may isang review akong narinig na talagang nagpa-ihit ng tawa sa inuman namin nung Linggo. Magaling daw pala. Pero dinugtungan ng isa kong barkada habang pinapanood sa cellphone ang mas malinaw na video. “Eh dapat lang pala talagang galingan niya kasi…” Ikaw may review ka ba? Thank you so much for visting Funny picture smileand reading our articles. If you find this post interesting, please do remember to share it on Facebook, Twitter or Google+. Adding a comment below will be much appreciated.

0 comments:

Post a Comment

 
Top