Ilang linggo na ang nakalipas ng napabalitang nakipagbugbugan umano si Jake Cuenca sa isang bar sa The Fort, at ayon sa report duguan daw na inilabas sa bar. Ang nakaaway raw ng aktor ay nagmula daw sa kilalang angkan ng mga pulitiko. Sa isang presscon ng "Maria Mercedes", itinanggi ni Jake ang pangyayari, ayon sa kanya wala naman raw bugbugang nangyari, may nagkabanggaan lang raw siyang isang lalaki at wala namang nangyaring gulo o usapan man lang.
Sa October 7 na ang unang episode na "Maria Mercedes" kung saan leading man si Jake bilang si Luis, kasama nya rin dito si Jayson Abalos bilang si Clavio, kung saan pag aagawan nila si Jessy Mendiola na gaganap na si Maria. Unang ipinalabas ang Maria Mercedes noong 1996 kung saan ito ay pinagbibidahan ni Mexican Superstar na si Thalia. Kwento ito ng isang dalaga na iniwan ng isang ambisyosang ina, kasama ang kanyang mga kapatid, sila ay naiwan sa kanilang amang lasenggo, at dahil sa hirap ng buhay napilitan siyang pumunta ng Mexico upang magtinda ng lottery tickets at mga bulaklak. Magbabago ang buhay ni Maria dahil makakapag asawa syang ng isang matangdang may malubhang sakit. Kasama rin dito sina Vina Morales, Dominic Ochoa, Nikki Gil, Vivian Velez, Nadia Montenegro, Atoy Co, Erika Padilla, Marx Topacio, Alex Castro, and Isabelle De Leon. Sa direksyon ni Chito S Rono.

0 comments:

Post a Comment

 
Top